Thu, 17 Jun 2021

Tagalog News: Roll-out ng Gamaleya Sputnik V isinagawa sa Muntinlupa

Philippine Information Agency
06 May 2021, 18:38 GMT+10

LUNGSOD QUEZON, Mayo 6 (PIA) -- Nagsagawa ng ceremonial roll-out ang Muntinlupa City Government nitong Miyerkules ng bakunang Gamaleya Sputnik V sa senior citizens at persons with comorbidities (A2 at A3 priority groups).

Ginanap ang bakunahan sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun) Field Tent at Asian Hospital and Medical Center (AHMC) Tower 2 Rotunda Parking Space. Nasa 250 miyembro ng priority groups ang babakunahan ng first dose sa OsMun, samantala, sa AHMC ay nasa 130 katao naman na mula rin sa nasabing priority groups.

Ayon sa Muntinlupa PIO, ang mga residente na nagparehistro lamang sa local COVID-19 Vaccination Registration System ang babakunahan ng Sputnik V sa OsMun at AHMC. Makatatanggap ang mga ito ng mensahe mula sa local health office para sa kanilang schedule. Mahigpit na ipinagbabawal ang walk-ins sa vaccination areas ng OsMun at AHMC. Hinihikayat ang mga residente na magpa-rehistro sa www.vaccine.muntinlupacity.gov.ph/muncovac.

Bukod pa rito, pinuri ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang lokal na pamahalaan sa kanilang kahandaan at matibay na pakikipag ugnayan sa pribadong sektor para sa local vaccination program.

Ayon sa Special Envoy to the Russian Federation Olivia Limpe-Aw, isa ang Muntinlupa sa mga napiling pilot roll-out sites ng Gamaleya Sputnik V dahil nagampanan nito ang mahigpit na requirements sa storage at handling.

Nagpasalamat naman si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa alokasyon ng Sputnik V sa lungsod.

"This ceremonial roll-out signifies a step closer in returning to our normal lives. We are grateful to the national government for donating additional vaccines to our city as this will help reach our target of achieving herd immunity as soon as possible. I encourage all Muntinlupenos to avail the vaccination program of the government because this is a vital step in curbing the pandemic," sinabi ni Mayor Fresnedi.

Kabilang sa mga dumalo ay sila Representative Ruffy Biazon, WHO Representative Dr. Rowena Capistrano, MMDA Public Affairs Dir. Sharon Gentillan, Ospital ng Muntinlupa Director Dr. Edwin Dimatatac, AHMC Chief Medical Officer Dr. Jose M. Acuin, CHO chief Dr. Juancho Bunyi, Muntinlupa City Council Committee on Health and Sanitation Coun. Allan Camilon, Coun. Ryan Bagatsing, at iba pang local officials.

Ang Gamaleya Sputnik V o Sputnik V Gam-COVID-Vac COVID-19 Vaccine ng Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology sa Russia ay binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration (FDA) noong ika-19 ng Marso 2021.

Sa pinakahuling tala, mayroong 24,163 residente na ang nababakunahan ng first dose ng bakuna kontra COVID-19, at 843 residente naman mula sa priority groups ang nabakunahan ng second dose. (PIA NCR)

More St Petersburg (Russia) News

Access More

Sign up for St Petersburg News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!